Thursday, July 5, 2007

Paminsan ay hindi maiiwasan

Masaktan ka man ng masaktan. Wala kang ibang gustong gawin kundi tumahimik at hayaang masaktan. Wag lang masaktan ang taong minamahal mo. Nang sana ay malaman nila na ikay totoo.

Na sanay maisip nila kung bakit ayaw mong labanan. Ayaw mong tumayo para sa sarili mo. Alam kong ang tao ay nag kakamali. Hindi yon maiiwasan. Depende nalang sa taong nagkamali kung hahayaan pa nilang maulit ang kanilang ginawa.

Depende na sa taong nananakit kung maiintindihan niya ito. Hindi lahat ng tao ay pareho. Ang iba kailangan ng ibat iba, at meron ding iisa lang ang gusto. Isa lang ang gusto ko. Ikaw lang. Wala nang iba.

Saktan mo man ako ay hindi ako iimik. Alam kong nag kakamali rin ako. Alam mong hindi ako perpecto. Saktan mo man ako ng harap harapan ay hindi ako gaganti. Malaman mo lang na nasasaktan din ako. Kung iyon ang gusto mong makita, sanay matuwa ka pag nagawa mo na. Pag nakita mo akong lumuha at umiyak ng kung pwede lang ay dugo, sana ay sumaya ka.

Lahat ng sakit ay kakayanin ko para lang sayo.

No comments: